Thursday, February 26, 2009

LIRA Poetry Clinic 2009

From my inbox, from Phillip Kimpo, Jr.:


Call for Submissions: LIRA Poetry Clinic 2009

On March 5, the nine new members of Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) will be formally sworn in. Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, and Ryan Tanauan are products of the yearly poetry clinic being held by LIRA in pursuit of its mission of championing Filipino poetry.

The newly elected officers of LIRA will also take their oaths alongside the new members. They are Phillip Kimpo Jr. (President), Francisco Monteseña (Vice President), Vivian Limpin (Secretary), Enrique Villasis (Treasurer), and Ynna Abuan (Public Relations Officer).

LIRA is now accepting sign-ups for its next poetry clinic. All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five (5) poems in Filipino, to palihan(at)liraonline(dot)org. An envelope containing the requirements may also be dropped off c/o Prof. Vim Nadera at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All submissions should be in on or before April 30, 2008.

The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM. Classes will continue until December.

Celebrating its 24th anniversary this 2009, LIRA is an organization of poets in Filipino. It was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985 and counts among its members award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar.

For more information about LIRA, visit www.liraonline.org.

***

Paanyaya para sa LIRA Poetry Clinic 2009

Pormal na manunumpa sa ika-5 ng Marso ang siyam na bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sina Mariane Abuan, Teofilo Catanyag, Perfecto Edilo, Noel Fortun, Deborah Nieto, Willester Robles, Renato Santillan, Natalie Sepe, at Ryan Tanauan ng taunang klinikang pampanulaang isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino.

Kasabay nilang manunumpa ang bagong halal na Pamunuan ng LIRA na binubuo nina Phillip Kimpo Jr. (Pangulo), Francisco Monteseña (Pangalawang Pangulo), Vivian Limpin (Kalihim), Enrique Villasis (Ingat-Yaman), at Ynna Abuan (Tagapag-Ugnay).

Bukas nang muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa klinika. Ang mga regular na klase, Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h, ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng mga klase hanggang Disyembre.

Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan(at)liraonline(dot)org. Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2009.

Ngayong 2009 ay 24 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma), Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Roberto at Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, at Edgar Samar.

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA, magtungo lamang sa www.liraonline.org.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home