Bulawan Online
Mula sa Panitikan.com.ph:
JUNE 22, 2008
Paanyaya sa mga Panitikero:BULAWAN ONLINE LAUNCHED
At his lecture in UP Diliman last June 19, National Artist for Literature Virgilio Almario was glad to launch a new website: bulawanonline.com. He serves as chief editor while Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Vim Nadera and Fidel Rillo serve as co-editors. Phillip Kimpo Jr., Sophia Lucero, Eilene Narvaez and Ernanie Rafael are the staff members.
Bulawanonline.com gets its name from Bulawan, a refereed quarterly journal published by the National Commission on Culture and the Arts. The NCCA is also one of the major forces behind panitikan.com.ph.
The maiden issue features works and commentary by Nikka Osorio, Roberto T. Añonuevo, Ronald A. Atilano, Romulo P. Baquiran, Jr., Michael M. Coroza and Virgilio S. Almario himself. Visit the new site here: http://bulawanonline.com/.
Magaling ka ba talagang makata o kuwentista? Ang lathalaang ito ay nakabukás para sa lahat ng mga sumusulat ng tula at maikling kuwento. Maaari ding magpadala ng salin ng ipinalalagay na mahalagang tula o maikling kuwento sa ibang wika, katutubo man o banyaga. Hangga't maaari, ipadala ang tulang hindi lalagpas sa 50 taludtod at ang kuwentong hindi lalagpas sa 15 pahina (na naka-double-space at may 11-12 points Times Roman, New York, Palatino, Book Antique, o Arial na font).
May Lupon ng mga Editor ang lathalaang ito, sa pangunguna ng National Artist Virgilio S. Almario, na pipilì tuwing dalawang buwan ng katangi-tanging tula, kuwento, o salin at ang napilìng akda ay ilalathala nang may kalakip na komentaryo hinggil sa katangian ng mga ito.
Maglalaan din ng espasyo ang lathalaang ito para sa mga pagsusuri ng aklat at talakay sa mga paksaing pampanitikan, pangwika, at pampagsasalin. Inaasahan ang kontrobersiyal at radikal na punahan bagaman sa paraang walang personalan. Ganap na pananagutan ng may-akda ang anumang paglabag sa karapatang-ari at ibang batas ng Filipinas.
Ano pa ang hinihintay mo? Maaaring ipadala nang diretso ang lahat ng kontribusyon sa editor(at)bulawanonline(dot)com. Maaari ding ipadala ang hard copy na may kalakip na soft copy na nása CD kay
VIRGILIO S. ALMARIO
Institute of Creative Writing
Faculty Center (Bulwagang Rizal)
University of the Philippines
Diliman, Lungsod Quezon
FilipinasPara sa file ng lathalaang ito, ilakip din ang isang maliit at pinakabagong retrato ng sarili, permanenteng tirahan, telepono, email adres, at kaunting impormasyon hinggil sa sarili (petsa at pook ng kapanganakan, magulang, paaralan, propesyon, trabaho/opisina, organisasyong pampanitikan, paboritong mga awtor at aklat, atbp.).
Nása Lupon ng mga Editor ang ganap na kapangyarihan kung ilalathala o hindi ang anumang tinanggap na padaláng pagsusuri, komentaryo, o liham. Hindi tungkulin ng lathalaang ito na ibalik sa may-akda ang anumang tinanggap na padaláng akda.
Phillip Y. Kimpo Jr.
pykimpo(at)gmail(dot)com |
Freelance Writer, Editor, Website Manager
Member, Association for Computing Machinery (ACM)
Batch 2006, BS Computer Science, University of the Philippines at Diliman
http://corsarius.net | http://phillip.kimpo.ph | http://thecorsarius.multiply.com
I co-own: http://komiks.ph | http://articlecrux.com
Vae victis.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home